After a long wait, we have a winner of AHEAD’s “How can good education get you a better life AHEAD?” iPad2 Contest. Congratulations to the winner who said:
Mula pagkabata palang, turo na sa amin ng aking magulang na sobrang napakaimportante ang edukasyon, ika nga nila, Isang bagay na di mananakaw ninuman,Isang pamanang habang buhay na di nauubos. Bakit kaya? Nang mamatay ang aking Ina dito ko nalamang lubos na importansya, na ang edukasyon lamang ang magiging kaagapay mo sa buhay sa oras ng kagipitan.
Mula sa kaliit-liitang numero hanggang sa Alpabetong ating binasa at sinaulo ay humubog sa ating kaisipan, Di lang mental kundi ating pakikisalamuha sa ibang tao. Dito palamang, ay masasabing tunay na nagtagumpay ka sa tulong ng edukasyon.
Ang edukasyon ay di natatapos, bago pa man tayo pinanganak ay nandyan na sya, at Payabong ng Payabong, naghihintay na ating siyasatin at diskubrehin. Sa tulong nito tayo ay binibigyan ng pagkakataong magkaroon ng pagbabago sa pagtingin sa mundo,tinutulungan tayong makipagsabayan sa ibat ibang bansa. Ito rin ang nagbibigay daan sa atin upang malaman ang kaibahan ng bawat isa, ang kagustuhan at mga kadahilanan ng bawat pangyayari na pwedeng magbunsod sa kapayapaan at kayamanan ng isang bansa.
Sa tingin mo ba mabubuhay ang tao kapag walang edukasyon? Sa aking palagay ay hindi, Ito ay hindi isang pribilehiyo bagkus isang karapatan, isang oportunidad na dapat hablutin at pagyamanin. Ito ang magdadalsayo sa tuktok. Edukasyon ang iyong magiging Kasangkapang panlaban sa kahirapan.Ito ang magiging takbuhan mo at ang tutulong na magtayo sa sarili mo bilang isang matibay at maasahang Puno na pwedeng maging tahanan ng ibang tao na maaring gumaya’t maging magaling sa lahat ng aspeto ng buhay. Mula sa maliit na gawaing ito, Tunay na makakatulong sa ating Inang Bayan na syang magiging lakas sa bawat unos na dumating.
Sa Madaling salita…
A-ning di nauubos, Aning umaapaw, edukasyong para sa lahat
H-ihila sa iyo mula sa pagkalugmok
E-nerhiyang magbibigay lakas upang suungin ang pagbabago
A-sin na magbibigay lasa sa ating buhay na tila di kumpleto
D-i mananakaw, ngunit pwedeng maibahagi kaninuman
Isang Gabay na dapat nating isapuso, Kung gusto mo ng magandang buhay sa hinaharap, maging AHEAD ka lang sa lahat ng pagkakataon, at ito ang magiging tulay mo sa TAGUMPAY!
Congratulations Julie Gonzales. Please get in touch with our office immediately to tell us what name to engrave in your iPad2.
congrats! and nice answer!
Wow! A well-deserved win. :)
congrats to the winner! Ahead will you start another contest? hehe.
yeah another contest! great choice for the winner of the iPad2 contest Ahead! :)
Very unique and well written answer. :)
hello there, i was fortunate to meet ms. julie + her son when i attended a seminar in aheadpro. i promised them that i will make a facebook page for her son so many people will know their story + hopefully help them in their financial needs. i was hoping you can give me her contact details so i can keep in touch with her personally, as i was not able to do this during the event. many thanks + more power to Ahead!
vix